Umabot sa 177 police officers sa Metro Manila ang sinampahan ng kaso kaugnay sa mga paglabag sa ilegal na droga.
Ayon kay NCRPO Regional Director Major General Jose Melencio Nartatez Jr., ito ay bahagi ng mga hakbang para palakasin ang transparency at accountability sa pagsasagawa ng mga operasyon ng awtoridad.
Aniya, sa kabila ng mga alegasyon na sangkot umano ang mga pulis sa mga ilegal na aktibidad sa gitna ng maigting na anti-illegal drugs campaign ng gobyerno, nais siguruhin ng NCRPO sa mga komunidad na ginagawa nila ang lahat upang mapanagot ang sangkot na police officers.