Pirmado na ang 170.6-billion peso concession agreement para sa Public-Private Partnership project sa modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinaksihan mismo ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang signing ceremony, sa Malakanyang, kahapon, kasama sina Transportation Secretary Jaime Bautista, Manila International Airport Authority General Manager Eric Ines, at San Miguel Corp. President and Chief Executive Officer Ramon S. Ang.
Sa ilalim ng PPP project, isasaayos ang runway, terminals, at iba pang pasilidad sa NAIA para sa mas magandang kalidad ng serbisyo sa mga pasahero.
Sa sandaling makumpleto, inaasahang tataas sa 62 million ang passenger capacity kada taon ng tinaguriang main gateway ng bansa. Tinatayang lilikha rin ito ng 900 billion pesos na kita sa gobyerno sa buong dalawampu’t limang taong concession period.