ISANG sunog ang sumiklab sa Residential Area sa Road 2, Barangay Old Balara sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), wala namang nasawi sa insidente, bagaman isang residente ang nakaranas ng panic attack habang isa pa ang nagtamo ng paso sa katawan.
ALSO READ:
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Sa pagtaya naman ng barangay, umabot sa sampung kabahayan ang naapektuhan ng sunog.
Nasa labinlimang pamilya o apatnapu’t dalawang indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Covered Court.
Patuloy na inaalam ng Arson Investigators ang sanhi ng sunog, pati na ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
