HINDI bababa sa labing apat ang patay sa salpukan ng dump truck at utility van sa bayan ng Antipas, sa Cotabato.
Binabagtas ng truck na may kargang graba ang kalsada sa Barangay Luhong nang sumalpok ito sa van na nilamon din ng apoy at nagresulta sa pagkasawi ng mga lulan nitong pasahero.
Tatlong biktima naman ang nakaligtas subalit nagtamo ng matinding paso at pinsala sa katawan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang aksidente.