28 April 2025
Calbayog City
Overseas

13 batang mag-aaral patay sa sunog sa School Dormitory sa China

LABINTATLONG batang mag-aaral ang nasawi nang masunog ang isang dormitoryo sa Henan Province sa China.

Sa ulat ng Xinhua, bukod sa mga nasawi mayroong ding isang nasugatan sa sunog sa Yincai School sa Yanshanpu Village.

Ayon sa isang guro ng paaralan, lahat ng biktima ay mula sa third-grade class na siyam hanggang sampung taong gulang.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog, habang nakakulong ang isang hinihinalang may kinalaman sa malagim na insidente.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *