20 May 2025
Calbayog City
National

120 katao, nasawi sa mahigit 5000 sunog sa unang 3 buwan ng taon

sunog

TUMAAS ang insidente ng sunog sa bansa, pati na ang bilang ng mga nasawi at halaga ng mga natupok na ari-arian, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinabi ni BFP Spokesperson Annalee Atienza na kabuuang 5,764 fire incidents ang naitala simula Jan. 1 hanggang April 2 ngayong taon, na nagresulta sa pagkamatay ng isandaan dalawampu katao at pagkasugat ng tatlundaan limampu’t dalawang iba pa.

Nag-iwan din aniya ito ng mahigit dalawa punto pitong bilyong pisong halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

Ikinumpara ang mga naturang pigura sa 4,477 incidents, 79 fatalities, 318 injured, at 2.37 billion pesos na damage, na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Idinagdag ni Atienza na nakapagtala rin sila ng mga kaso ng chemical combustion bunsod ng matinding init ng panahon o kahit walang presensya ng apoy, na nagresulta ng sunog.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *