Inanunsyo ng Star Music na postponed ang 10th Anniversary Concert na “Reimagined” ng actress-singer na si Janella Salvador.
Sa statement, sinabi ng Star Music na ipinagpaliban ang concert na dapat ay gaganapin sa April 19 sa New Frontier Theater, bunsod ng “unforeseen circumstances.”
Bunsod nito, pinayuhan ang ticket holders na itago ang kanilang tickets para sa rescheduled date o kaya ay humiling ng refund sa pamamagitan ng ticketnet.
Kasabay nito ay ang paghingi ng paumanhin ng Star Music sa anumang naging abala ng postponement, at pasasalamat sa pang-unawa ng mga nakabili na ng tickets.
Sa post naman sa X (dating Twitter), humingi rin ng paumanhin si Janella at nagpasalamat sa mga nag-aabang sa kanyang concert, na aniya ay mas paghahandaan pa niya sa sandaling matuloy.