NASA isanlibong benepisyaryo mula sa 157 Barangay sa Calbayog City ang tumanggap ng 4,050 pesos na financial assistance sa pamamagitan ng TUPAD Program, sa Calbayog City.
Ang pamamahagi ng ayuda ay pinangunahan ng DOLE Region 8 at pinangasiwaan ni DOLE Samar Provincial Head, Engineer Aleksei Abellar.
Dumalo si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa TUPAD Payout na inorganisa ng Tingog Party-list, sa pamumuno ni Tingog Calbayog Focal Person, Vice Mayor Rex Daguman, sa Bagacay Covered Court, sa Barangay Bagacay.
Present din ang City Councils para ipakita ang kanilang suporta sa aktibidad at saksihan ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo.