21 May 2025
Calbayog City
Sports

1 patay, mahigit 20 sugatan sa pamamaril sa Super Bowl Parade sa Kansas City

1 ang patay habang dalawampu’t isa ang nasugatan, kabilang ang mga bata sa pamamaril sa Super Bowl victory parade ng Kansas City Chiefs.

Ayon sa Kansas police, tatlo ang naaresto matapos ang insidente, bagaman iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen.

Inihayag naman ng Kansas City fire department na marami sa mga biktima ang nagtamo ng “life-threatening injuries.”

Mariing kinondena ng Chiefs ang walang katuturang pamamaril, kasabay ng panawagang panalangin ng quarterback ng koponan na si Patrick Mahomes.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *