NAKAUWI na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagbisita sa Australia.
Mula sa Melbourne, nakapag-uwi si Pangulong Marcos ng 1.53 bilyong dolyar na halaga na business agreements.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), maghahatid ito ng trabaho sa sektor ng enerhiya, IT-BPM, housing, at kalusugan.
Ipinagpatuloy ni Marcos ang pagsulong sa interes ng mga Pilipino at pagpapatibay sa kooperasyon ng mga bansa sa Indo-Pacific sa mga session ng ASEAN-Australia Special Summit.
Ibinahagi rin ng pangulo ang posisyon ng bansa sa mga pandaigdigang usapin sa Lowy Institute at binisita ang mga kababayan nating nasa Australia.