Kumpiyansa si tourism secretary Christina Frasco na malalagpasan ang 1.5 trillion pesos na domestic visitor receipts para sa taong 2024, kasunod ng magandang performance ng iba’t ibang tourism sectors noong nakaraang taon.
Sinabi rin ni Frasco na nakalikha ang tourism-related employment ng limang milyong trabaho sa buong bansa.
Para sa bagong taon, inihayag ng kalihim na ang marching orders sa kanya ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay paghusayin pa ang overall tourist experience.
Batay sa feedback, isa sa kongkretong hakbang ay ang pagtatayo ng labing walong tourist rest areas na mayroong malinis na public rest rooms.
Sa nakalipas na taong 2023, inanunsyo ng DOT na umabot sa 5.45 million ang international tourists na bumisita sa Pilipinas, na lagpas sa kanilang target.